^

Probinsiya

Mister pinasok, niratrat sa bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang mister ng kanyang kapitbahay habang nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Masalukot 1, ka­makalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa dibdib ay kinilalang si Joel ­Gutierrez, 51-anyos, habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Malabanan, may sapat na taong gulang.

Ayon sa imbestigas­yon, nakaupong nanonood ng  TV ang biktima nang pasukin ng suspek dakong alas-10:45 ng gabi at walang sabi-sabing pi­naulanan ng punglo.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa mister.

vuukle comment

JEFFREY MALABANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with