^

Probinsiya

Lady exec pinagnakawan, sinaksak ng ex-LTO examiner

Ben Serrano - Pilipino Star Ngayon

BUTUAN City, Philippines — Isang babaeng exe­cutive ng motor insu­rance company sa lungsod na ito ang pi­nagnakawan at si­nak­sak ng dating kawani ng Land Transportation Office (LTO) sa ka­habaan ng national highway, Purok 7, Brgy. Ampayon.

Kinilala ni Butuan City Police Station 4 commander Major Henry Samillano Jr., ang biktimang si Mary Cris Olarte Naranjo, 48, residente ng Barangay Holy Redemer, Butuan City.

Naaresto naman ang suspek na si Ismael Baratas, 47, dating examiner sa driving license division ng LTO-Butuan City office.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-7:40 ng umaga kahapon ay minamaneho ng bik­tima ang kanyang itim na SUV Mt. Everest at binabagtas ang kahabaan ng national highway nang siya ay parahin ng suspek na sakay ng motorsiklo.

Pagkahinto ng biktima ay nilapitan siya ng suspek at nagpahayag ng holdap at sabay saksak sa una.

Tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo at  tinangay ang mahigit P60,000 pera, alahas at cellphone.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Butuan City Medical Center ang biktima.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with