^

Probinsiya

Trike driver tepok sa salpok ng SUV

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang nasawi nang makabanggaan niya ang kasalubong na SUV sa Brgy. San Jose, Antipolo City,Rizal, kamakalawa.

Idineklara sa  Cabading Hospital ang biktimang nakilalang si Omar Piang dahil sa pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Arestado naman ang driver ng Mitsubishi Adventure na si Rolly Casabuena na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, lumilitaw na dakong alas-5:25 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Marcos Highway, tapat ng Veterans, Sitio Kapatagan, sa Brgy. San Jose.

Bago ang aksidente ay minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle at binabagtas ang Marcos Highway patungo sa direksiyon ng Tanay, nang masakop nito ang kabilang lane ng kalsada na dahilan para masalpok siya ng Mitsubishi Adventure na may plakang WFC-113, na minamaneho ng suspek.

Sa tindi ng salpukan ay wasak na wasak ang  tricycle na malubhang ikinasugat ng biktima at dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

 

vuukle comment

ROLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with