^

Probinsiya

78-anyos kinatay, leeg winakwak ng 67-anyos

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tadtad ng saksak at wakwak ang leeg nang matagpuan ang isang 78-anyos na guwardya matapos umanong katayin ng isang kapwa senior citizen sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eugenio Barona Enrique, residente ng Sitio Ibayong Ilog, Brgy Kaong, Silang, Cavite.

Isang senior citizen din ang inaresto ng pulisya na nakaaway umano ng biktima at siyang kumatay dito na nakilalang si Francis Reyes Natanauan, 67 anyos, residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Pat. Menervin M. Castillo, dakong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay at tadtad ng saksak at wakwak pa ang leeg nito.

Ayon sa ilang saksi, ang suspek umano ang huling kausap ng biktima kung saan nagtalo pa umano ang dalawa.

Nang arestuhin, umamin umano ang suspek na siya ang gumawa ng krimen. Hindi pa malinaw ang motibo sa ginawang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

SILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with