11 babae nasagip sa ‘extra service’ sa spa
MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang may 11 kababaihan mula sa dalawang spa na sinasabing nag-aalok ng “extra service” sa Antipolo City, Rizal.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Antipolo City, ang mga nasagip ng PNP Women and Children Protection Center at ng City Social workers mula sa Nitzi Touch Massage Spa at Miyuto Spa sa Barangay Mayamot, ay anim na kababaihan mula sa Quezon City at lima mula sa Antipolo.
Ang operasyon ng mga pulis sa dalawang spa ay ginawa nang malaman na bukod sa pagmamasahe ay nag-aalok din ng “extra service” ang mga nasagip sa P2,000 na sinisingil sa bawat customer.
Ang mga kababaihang ito ay isinalang sa assessment ng social worker upang malaman kung kailangan silang iendorso sa shelter o ibabalik na lamang sa kanilang mga pamilya at bibigyan ng posibleng tulong o kabuhayan.
- Latest