^

Probinsiya

Paslit patay sa sunog sa nilarong posporo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang babae ang namatay sa sunog na sumiklab kahapon ng  umaga sa  Brgy. Basaka, Lapu Lapu City.

Batay sa imbestigas­yon, naganap ang  sunog  dakong alas-9 ng umaga sa bahay ng  biktima na si Candice Pailden ng Sitio Cadurong Suba Masulog, Barangay Basak, Lapu Lapu City.

Ayon  sa report ng Lapu-Lapu City Fire District, nakita ng ina ng biktima na si Malou na hawak ng anak na paslit ang isang posporo.

Gayunman, inamin ni  Malou na nakatulog  siya at nagising na lamang sa init ng paligid at nakita niyang nagliliyab na ang kanilang  bahay.

Dala ang pagkakataranta at takot, agad na binitbit ni Malou ang  isa pa niyang anak na isang sanggol at naiwan sa nasusunog na bahay si Candice. Tinangka pa niyang balikan ang anak para iligtas pero lumaki pa lalo ang apoy hanggang sa tulu­yang lamunin ang kanilang tahanan at nadamay ang apat pang bahay na katabi nito.

Hinala ng mga awtoridad, napaglaruan ng bata ang posporo hanggang sa madamay ang higaan na nagresulta ng mabilis na pagsiklab ng  apoy.

vuukle comment

MALOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with