^

Probinsiya

12-anyos nene, tsinap-chop sa CamSur

Pilipino Star Ngayon
12-anyos nene, tsinap-chop sa CamSur
Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya at mga kaibigan ng batang biktima na kinilalang si Trixia Mae Samson, residente ng Zone-4, Brgy. San Antonio Ogbon, Nabua, Camarines Sur.
STAR/ File

Hinihinalang ginahasa pa bago pinatay

NABUA, Camarines Sur,Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na batang babae na unang naiulat na nawawala matapos matagpuang halos putol-putol ang ilang bahagi ng katawan at hinihinalang ginahasa pa sa madamong lugar malapit sa kalsada ng Zone-6 sa Brgy. Bustrac ng bayang ito kamaka­lawa ng umaga.

Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya at mga kaibigan ng batang biktima na kinilalang si Trixia Mae Samson, residente ng Zone-4, Brgy. San Antonio Ogbon, Nabua, Camarines Sur.

May dalawang “persons of interest” na ang pulisya na kanilang tinututukan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Sa impormas­yon, ­unang naiulat na nawawala ang batang biktima noong Agosto 4.

Gayunman, dakong alas-9 ng umaga kahapon, Agosto 9 ay natagpuan ng ilang residente ang bangkay ng bata na nasa kalunus-lunos na kalagayan.

Isinasailalim na sa autopsy ang bangkay upang makumpirma kung hinalay ang biktina bago pinatay.

vuukle comment

CAMARINE SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with