^

Probinsiya

Police director, sinitang parak utas sa checkpoint!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Police director, sinitang parak utas sa checkpoint!
Kinilala ang mga nasawi na sina Police Colonel Michael Bawayan Jr., 49-anyos, may asawa, tubong Baguio City at kasalukuyang director ng Sulu Police Provincial Office at ang sinitang si P/Staff Sergeant Imran Jilah, 43-anyos, may asawa, nakatalaga 3rd Maneuver Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at residente ng Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu.
STAR/File

Dahil sa mahabang buhok, inspeksyon nauwi sa barilan

MAGUINDANAO, Philippines - Patay ang isang provincial director matapos pagbabarilin ng isang police non-commissioned officer na kanyang sinita dahil sa mahabang buhok sa ginawang inspection sa quarantine control point na nauwi sa barilan at ikinasawi rin ng huli sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Colonel Michael Bawayan Jr., 49-anyos, may asawa, tubong Baguio City at kasalukuyang director ng Sulu Police Provincial Office at ang sinitang si P/Staff Sergeant Imran Jilah, 43-anyos, may asawa, nakatalaga 3rd Maneuver Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at residente ng Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu.

Batay sa ulat, nagsagawa ng inspeksyon ang nasabing provincial director sa nasabing checkpoint sa QCP Big Bites, Brgy. Asturias, Jolo dakong alas-4:20 ng hapon nang mapansin nito na magulo at mahaba ang buhok ni Jilah na hindi akma para sa “Magandang Bihis” program ng PNP kaya nang akma na gugupitan ay nairita umano ang huli at pinagbabaril ang kanyang opisyal gamit ang M14 service firearm nito.

Mabilis namang gumanti ng putok ang mga police escort ni Bawayan sanhi upang bumulagta si Jilah.

Isinugod ang opisyal at nasabi ring pulis sa Sulu Integrated Hospital pero idineklara na kapwa dead-on-arrival.

Kaugnay nito, ipinag-utos na kahapon ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) director Brig. Gen. Eden Ugale ang agarang imbestigasyon sa nasabing insidente.

vuukle comment

PMPC

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with