^

Probinsiya

Bungangerang serbidora kinatay ng caretaker

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang caretaker ang isang babaeng service crew ng canteen dahil sa pagbubunganga umano nito na nauwi sa mainitang pagtatalo kahapon ng madaling araw sa Brgy. Salitran 2 Dasmariñas City.

Tadtad ng saksak nang matagapuan ng mga pulis habang nakahandusay ang biktima na nakilalang si Jessica Cabrera, 52, residente ng Brgy Salitran 2, Dasmariñas City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas suspek na si June Solanoy, ng Vacant Lot, Riverside, Brgy Salitran 2, Dasmariñas City matapos isagawa ang krimen .

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Gilbert Santos, alas-5 ng madaling araw nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at katiwalang suspek. Naiirita umano ang suspek sa pagbubunga­nga ng biktima sa kanya hanggang sa mapikon at kumuha ng patalim saka sunud-sunod na inundayan ng saksak ang serbidora.

Nang duguang bu­magsak ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang patalim na ginamit sa krimen.

vuukle comment

GILBERT SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with