^

Probinsiya

Mag-ina patay sa ‘killer washing machine’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MALINAO, Albay, Philippines — Parehong namatay ang isang ina at menor-de-edad niyang anak matapos silang makuryente habang naglalaba gamit ang isang washing machine sa Purok-7, Brgy. Labnig ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Cope Memorial Hospital sa Tabaco City pero kapwa idi­neklarang dead-on-arrival sina Asuncion Adalin Bonagua, 52-anyos at anak na si Ayen,13-anyos.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga habang nag­lalaba sa washing machine ang nanay na si Asuncion nang aksidenteng mahulog ang extension wire sa tubig kung saan nakaapak ang ginang dahilan para mangisay ang huli.

Nakita ni Ayen ang pagkisay ng ina kaya mabilis niyang sinaklolohan subalit pati siya ay nakuryente na rin.

Mabilis namang pinutol ng mga kaanak at resi­dente ang daloy ng kuryente saka isinugod sa paga­mutan ang mag-ina pero hindi na sila umabot ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo ng kanilang katawan sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente.

vuukle comment

AYEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with