^

Probinsiya

Army detachment binomba: 2 utas, 5 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Army detachment binomba: 2 utas, 5 sugatan
Nagtamo naman ng mga shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktimang sina Michael Maglasang Trangia, 34, kasapi ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ng Brgy. Buenavista; Vevencia Yanzon, 48; Marjun Ma­ngubat,18; Ernie Rondina,19, at isang 13-anyos na itinago sa pangalang Rodgie, pawang residente ng Brgy. Del Carmen, Uson, Masbate.
Philstar.com/John Unson

USON, Masbate, Philippines — Dalawa katao ang patay habang lima pang sibilyan ang sugatan matapos na pasabugan ng improvised explosive device (IED) ng mga pinaniniwalaang grupo ng mga rebelde ang isang detachment ng Philippine Army sa Brgy. Del Carmen ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Boy Gestingor, 28-anyos, magsasaka at lolang Carmelita Yanzon, 65-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Nagtamo naman ng mga shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktimang sina Michael Maglasang Trangia, 34, kasapi ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ng Brgy. Buenavista; Vevencia Yanzon, 48; Marjun Ma­ngubat,18;  Ernie Rondina,19, at isang 13-anyos na itinago sa pangalang Rodgie, pawang residente ng Brgy. Del Carmen, Uson, Masbate.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi habang nakabantay sa gate ng Army Detachment ng 2nd Infantry Batallion si CAFGU member Trangia nang biglang sumabog ang bomba sa tabi ng kalsada, may 50-metro ang layo mula sa detachment.

Sa lakas ng pagsa­bog, nahagip ang mga biktima na karamihan ay pawang dumaraan lamang sa nasabing detachment.

Agad namang namatay sa lugar sina Carmelita at Gestingor nang mapuruhan sa pagsabog habang nakasakay sa motorsiklo.

  Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang grupong responsable sa pagpapasabog sa naturang detachment na ikinamatay ng dalawang sibilyan.

vuukle comment

BOMBA

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with