^

Probinsiya

Pasugalan sa burol ni-raid: Kagawad, 17 pa timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pasugalan sa burol ni-raid: Kagawad, 17 pa timbog
Kinilala ng pulisya ang arestadong opisyal na si Bernabe Papa habang ang iba pang mga nadakma ay pawang mga taga-karatig bayan ng Ballesteros at lokal na residente na karamihan ay kaanak ng nakaburol na si Reynaldo Labbao.
File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nasakote ang isang 73-anyos na barangay kagawad at 17 pang iba dahil sa pagsuway sa panuntunan ng health protocols nang mahuling nagsusugal ng walang suot na face mask at face shield sa lamayan ng patay sa Brgy Bulala Sur, Aparri, Cagayan kamakalawa. 

Kinilala ng pulisya ang arestadong opisyal na si Bernabe Papa habang ang iba pang mga nadakma ay pawang mga taga-karatig bayan ng Ballesteros at lokal na residente na karamihan ay kaanak ng nakaburol na si Reynaldo Labbao.

Nabatid na ilang mga sugarol ang nagsipulasan ng takbo nang salakayin ng awtoridad ang sugalan ng tong-its at mahjong dakong alas-10 ng gabi.

Bukod sa mga gamit sa pagsusugal, nasamsam ng pulisya ang P2,020 cash na pantaya ng mga sugarol. 

vuukle comment

RAID

SUGALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with