^

Probinsiya

Mag-utol dedbol sa drug bust

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-utol matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isang drug buy-bust operation sa harap ng Kutawato Darussalam College, Mahad St., Mother Barangay Bagua ng lungsod na ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Hamsur Maulana, alias Hamsur at Hamsri Maulana, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Poblacion 6 ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat mula kay City PNP Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Capt. John Howell Wong, alas 9:30 ng gabi nitong Biyernes nang ilunsad nila ang drug buy-bust operation laban sa magkapatid kung saan napagbentahan nito  ang isang pulis na poseur buyer ng apat na pakete ng hinihinalang shabu.

Sa gitna ng transaksiyon ay naamoy  ng magkapatid na parak ang kanilang ka-deal kaya’t bumunot umano ng baril ang mga ito at pinaputukan ang pulis na poseur buyer na masuwerteng hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga kasamang pulis na nakatago sa lugar at napatay ang magkapatid.

Narekober sa pag-iingat ng isa sa mga suspek ang 500 peso bill na buy-bust money habang nakuha ng SOCO sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre .45 na pistol na may 1 magazine assembly at tatlong mga bala, 1 Cal. 38 revolver at mga bala.

vuukle comment

KAPWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with