^

Probinsiya

Parak sumemplang sa motor, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

VIGA, Catanduanes , Philippines — Idineklarang dead-on-arri­val sa ospital ang isang pulis matapos na sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa national highway ng Brgy. Begonia ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi dahil sa nata­mong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Patrolman John Lester Tulod, kasapi ng Viga Municipal Police Station at residente ng Brgy. San Jose Poblacion.

Sa ulat na natanggap ng Camp Gen. Simeon Ola, bago naganap ang aksidente, alas-4:30 ng hapon sa nasabing lugar ay sakay ang biktima ng  kanyang motorsiklo mula Brgy. Tambongon at mabilis na binabagtas ang kalsada patungong Brgy. Poblacion.

Pagdating sa pakurbang daan ay nawalan ng kontrol sa manibela ang pulis kaya sumemplang ito at humampas ang katawan sa kongkretong drainage canal ng highway.

Mabilis namang na­ka­responde ang mga kasama­hang pulis, duguan at walang malay na isinugod sa pa­ga­mutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

OLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with