^

Probinsiya

Bebot na may tattoo, sinalvage

Pilipino Star Ngayon
Bebot na may tattoo, sinalvage
Base sa imbestigas­yon ng SOCO, may tama sa kanang bahagi ng ulo nang bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima. Gayunman, wala namang mga patak ng dugo sa lugar na kinatagpuan nito dakong alas-5:30 ng umaga na palatandaang doon lamang itinapon ang katawan matapos na paslangin ng ‘di kilalang salarin.
STAR/ File

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Isang bangkay ng babaeng may tattoo na pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuan sa barangay road ng Barangay Bagong Silang sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay P/Major. Marcelino Platino, chief of police, walang nakitang anumang bagay na mapagkakakilanlan sa biktima maliban sa nakaukit na tribal tattoo sa kanyang kaliwang kamay, nakasuot ng kulay orange na t-shirt, at itim na leggings.

Base sa imbestigas­yon ng SOCO, may tama sa kanang bahagi ng ulo nang bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima. Gayunman, wala namang mga patak ng dugo sa lugar na kinatagpuan nito dakong alas-5:30 ng umaga na palatandaang doon lamang itinapon ang katawan matapos na paslangin ng ‘di kilalang salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang biktima at mga taong pumatay sa kanya.

vuukle comment

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with