^

Probinsiya

Mag-asawa, mag-utol tiklo sa P3.4 milyong droga

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARINAS CITY, Cavite , Philippines — Nalambat ng pulisya ang 4 na nasa high value target at mga big-time dealer ng droga sa isinagawang drug bust sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod na ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Alex Dejumy  Lignes, 37; kapatid nitong si Michelle Dejumu Lignes, 30; at ang mag-asawang sina Maria Rovic Mallari, 28, waitress at Ralph Raya  Mallari, 35, pawang mga residente ng Block 38, Lot 45, Barangay Nara II, Silang, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ng PDEA, ala-1:45 ng hapon nang magkasa ng buy-bust ang mga ahente ng PDEA Laguna Provincial Office at Dasmariñas Police sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod.

Nang magpositibo ang target, agad na pinalibutan ng grupo ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang may 500 gramo ng shabu na aabot sa halagang P3,400,000.00.

Nakuha rin sa mga ito ang buy-bust money na ginamit at 1 unit ng cellular phone na gamit sa tran­saction.

Ayon sa pulisya, nasa HVT list ang 4 na suspek na big-time dealer ng droga hindi Lang sa lalawigan ng Cavite kundi pati sa mga karatig lalawigan.

vuukle comment

DEALER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with