^

Probinsiya

4 ‘tulak’ arestado sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� arestado sa buy-bust
Sa Talavera, nadakip ng Talavera police sa ilalim ni P/Major Roderick Corpuz; Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) at Regional Intelligence Division (RID) si Virgilio Galano, 40, ng Brgy. Andal Alinio matapos niyang bentahan ng droga ang narcotics operative bandang alas-3:20 ng hapon, kamakalawa.
STAR/ File

NUEVA ECIJA , Philippines — Apat na hinihinalang tulak ng droga ang nalambat ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-drug operations kaugnay ng wala pa ring puknat na kampanya ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa ipinagbabawal na gamot.

Sa Talavera, nadakip ng Talavera police sa ilalim ni P/Major Roderick Corpuz; Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) at Regional Intelligence Division (RID) si Virgilio Galano, 40, ng Brgy. Andal Alinio matapos niyang bentahan ng droga ang narcotics operative bandang alas-3:20 ng hapon, kamakalawa.

Nasamsam sa suspek na nadiskubreng miyembro rin ng ”Beltran Gun-for-Hire Group” ang 3 plastic ng umano’y shabu at P1,000 marked money.

Sa bayan ng Licab, arestado rin ang 26-anyos na mekanikong si Jerald Biso, ng Brgy, Poblacion Norte, sa ginawang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU at PPDEU matapos makabili ang police poseur buyer ng droga sa suspek, dakong alas-5:30 ng hapon sa Brgy. San Casimiro. Nakuha sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Bandang alas-9:00 naman ng gabi nang masakote pa sa Brgy. San Felipe Matanda, Aliaga sina Mylene Zuniga, 34, at Cristina Centeno, 49; kapwa  ng Brgy. DS Garcia, Cabanatuan City. Apat na plastic ng umano’y shabu at P500 marked money ang nasamsam sa dalawang babaeng suspek.

vuukle comment

RID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with