^

Probinsiya

2 ‘killer’ ng brodkaster sa Pangasinan, timbog!

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto na ng aw­to­ridad ang dalawang sus­pek sa pagpatay sa brodkaster na si Vir­gilio Maganes sa Panga­sinan noong nakalipas na buwan, ayon sa pi­nuno ng Ilocos Police Regional Office kahapon.

Kinilala ni Brig. Ge­neral Rodolfo Azurin ang mga kinasuhan na ng murder na sina Noe Ducay at Romar Bustillos na positibong kinilala ng mga nakasaksi sa krimen.

Magugunita na binaril si Maganes habang naglalakad pauwi matapos bumili ng pang umagahang pandesal noong Nobyembre 10 sa Brgy. San Blas, Villasis.

Si Ducay na rumat­rat kay Maganes ay na­tukoy sa pamamagitan ng composite compu­ter sketch ng kanyang pagmumukha base sa paglalarawan ng mga nakasaksi at kalaunan ay ipinalabas ng Urdaneta City Crime Laboratory. Doon natukoy ang pagkatao ni Ducay na isang bayarang berdugo.

Sumunod dito ay ang isinagawang raid ng Pangasinan Police sa bahay ni Ducay na nagbunga ng kanyang pagkakadakip at pagkakasamsam ng mga armas.

Matapos mahuli si Ducay, nahulog sa kamay ng awtoridad si Bustillos na isang tricycle driver na nagsilbing “spotter” sa krimen.

Ang pagkakatukoy­ at pagsakote kina Ducay at Bustillos ay dulo pa lamang ng ma­la­king­ tipak ng yelong naka­lutang sa dagat habang sinasaliksik pa ng mga awtoridad ang mastermind o taong nag-utos na itumba si Maganes.

vuukle comment

BRODKASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with