^

Probinsiya

Grade-11 stude sumalpok sa trak, dedo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Grade-11 stude sumalpok sa trak, dedo
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Aljun Gongcakic, 18-anyos, at residente ng Sitio Catao, Barangay Buringal, Paracelis, Mt. Province.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, ­Isabela, Philippines  — Isang Grade-11 na estudyante ang agad na binawian ng buhay matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang trak sa national highway ng Mallig, Isabela, kamaka­lawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Aljun Gongcakic, 18-anyos, at residente ng Sitio Catao, Barangay Buringal, Paracelis, Mt. Province.

Sa ulat, unang nakipag-inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan sa bahay ng kamag-anak sa Brgy. Barucboc, ­Quezon sa lalawigang ito. Nang matapos ang laklakan ay umalis ang biktima sakay sa kanyang Honda XRM 125 na walang plaka kasama ang dalawang kaibigan na magkaangkas sa isa pang motorsiklo.

Naging mabilis umano ang patakbo ng biktima sa motorsiklo hanggang sa aksidenteng masalpok ang isang nakaparadang 10-wheeler truck (TMV 473) ni Jayson Mendoza, 38, ng Tuguegarao City, Cagayan.

Depensa ni Mendoza, inantok umano siya kung kaya’t itinigil pansamantala ang minamanehong trak sa gilid ng kalsada para makapagpahinga.

vuukle comment

ALJUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with