^

Probinsiya

Kawani ng AFPSLAI dedo sa 10-wheeler

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang empleyado ng Armed Forces of the Philippines Savings and Loans Association Incorporated (AFPSLAI) makaraang sumalpok ang kanyang minamanehong Mitsubishi Pajero sa kasalubong na Isuzu Ten Wheeler truck sa diversion road na sakop ng Purok Baybayin, Barangay Ibabang Dupay, kamakalawa ng tanghli sa  lungsod na ito.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, nakilala ang biktima na si Julito Donato De Los Reyes, 54, may asawa at residente ng Providence Village, Makati City.

Nakita sa dash cam ng isang biyahero na bandang alas-11:00 ng tanghali ay patungo sa Maynila ang minamanehong Pajero ng biktima nang bulagain ito ng isang humahagibis na tricycle. Upang makaiwas na mabangga ang tricycle, ipinihit ng biktima ang manibela pakaliwa hanggang sa mawalan ito ng kontrol at tuluyang sumalpok sa Bicol bound na 10 wheeler truck na minamaneho ni Ronald Espinosa ng Guagua, Pampanga.

Mabilis na nagresponde ang Lucena Emergency Response Team at dinala sa Mt. Carmel General Hospital Ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga habang ang tsuper ng trak ay nasa kustoya ng pulisya ang truck driver at patuloy na iniimbestigahan.

vuukle comment

AFPSLAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with