^

Probinsiya

Higit 100 huli sa ‘no barrier, no backriding’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Umabot na sa mahigit 100 na indibidwal ang nahuli ng Kidapawan City Police at Highway Patrol Group sa pagpapatupad ng ‘no barrier, no backriding policy” sa lungsod.

Sa ulat ng Kidapawan Police, nasa mahigit 35 na motorista ang kanilang naisyuhan ng citation ticket habang nasa 65 ang naisyuhan ng PNP Highway Patrol Group hanggang kahapon.

Ang nasabing mga motorista ay hindi lamang nanggaling sa lungsod at mga karatig bayan kundi ilan sa kanila ay nagmula pa sa mga lugar ng Davao Del Sur, Bukidnon, Sultan Kudarat, Bayugan City Agusan at South Cotabato.

Ayon Kidapawan LTO Chief Genalinda Ganotice, P1,000-P10,000 ang maaaring bayaran kung mahuhuli ang mga motoristang walang suot na face mask, walang helmet o walang naka-install na barrier, batay na rin sa kautusan ng DILG.

vuukle comment

BACKRIDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with