^

Probinsiya

Misis naboga ng senglot na mister

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Misis naboga ng senglot na mister
Sa report ng pulisya, aksidenteng nakalabit ng traysikel drayber na si Arnold Lauigan, 50, ang hindi natukoy na kalibre niyang paltik na nakatama sa kanang binti ng misis na si Kathryn habang lumalaklak sa kanilang bahay sa Brgy. Gammad, Iguig.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Naospital ang isang 48-anyos na misis matapos aksidenteng mabaril ng kanyang senglot na mister sa Cagayan noong bisperas ng bagong taon.

Sa report ng pulisya, aksidenteng nakalabit ng traysikel drayber na si Arnold Lauigan, 50, ang hindi natukoy na kalibre niyang paltik na nakatama sa kanang binti ng misis na si Kathryn habang lumalaklak sa kanilang bahay sa Brgy. Gammad, Iguig.

Isinugod ni Arnold ang asawa sa Cagayan Valley Medical Center kung saan siya rito dinampot ng mga nagrespondeng pulis. 

Samantala, 10 katao ang unang napaulat na nasugatan sa paputok mula bisperas hanggang araw ng bagong taon kahapon sa Region 2.

Sa report, tig-isang katao ang inisyal na naitala ng mga awtoridad sa lungsod na ito, Aparri at Piat habang dalawa naman sa Baggao noong paghihiwalay ng taon.

Isa ang naiulat na naputukan sa Cabarroguis, Quirino na pinakamatanda sa mga biktima sa edad 81. Nag-iisa rin ang unang naitala sa Santiago City sa edad 5.

Sa Isabela isa ang na- ireport sa bayan ng Roxas at dalawa sa Cauayan City.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga napinsala sa susunod na dalawang araw.

vuukle comment

ARNOLD LAUIGAN

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with