^

Probinsiya

SM, BDO may handog pamasko para sa mga OFW

Pilipino Star Ngayon
SM, BDO may handog pamasko para sa mga OFW
Ang Pamaskong Handog events ay dadaluhan ng celebrities gaya nina Piolo Pascual, Kim Chiu, tambalang Ronnie Alonte at Loisa Andalio, at iba pa.
Photo Release

MANILA, Philippines — Muling isasagawa ng SM Supermalls at BDO ang bukod-tanging pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) kasama ang kanilang mga pamilya.

Abangang ang star-studded na Pamaskong Handog 2019 na gaganapin sa SM Seaside City Cebu Mountain Wing Atrium sa Disyembre 7, SM City Davao Event Center Annex sa Disyembre 14, at SM City Telabastagan Event Center sa Pampanga sa Disyembrer 21!

"Overseas Filipino workers have made so many sacrifices for their families. This is our way to help spread happiness during the most wonderful time of the year," ani Jonjon San Agustin, senior vice president for Marketing ng SM Supermalls.

Bilang espesyal na pamasko, ipamamahagi sa mga OFW at kanilang mga benepisyaryo ang iba’t ibang exclusive deals at discounts. Meron silang P300 diskwento sa regular-priced items na may minimum single-receipt purchase na P3,000 sa lahat ng branches ng SM Store (December 7 at 14). May 20% ding diskwento sa selected gift items sa lahat ng Kultura sa buong bansa (December 7 14, at 21).  

“Ang SM at BDO lang ang merong ganitong kolaborasyon at eksklusibong mga handog para sa ating mga kababayan. Bawat taon, inoorganisa namin ang Pamaskong Handog at ginagawa namin ang lahat ng kakayahan namin para mapasaya sila dahil malayo sila sa kanilang pamilya sa ganitong okasyon,” ayon naman kay Genie Gloria, senior vice president at head ng BDO Remittance.

Makakakuha rin ang mga BDO Kabayan Savings account holders ng P100 discount coupon mula Disyembre 7 hanggang 21 sa lahat ng branches ng SM Supermarket at SM Hypermarket sa buong bansa, na siyang magagamit sa bawat minimum purchase na P1,000 hanggang katapusan ng Disyembre.

Sa Pamaskong Handog 2019, makakasama-sama at mapapanood din nila ang ilang malalaking artista at musikero sa bansa.

Makikisaya sa SM Seaside City Cebu sina Piolo Pascual at Kim Chiu, ang tambalang Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pop rock band na Aegis, at “Tawag ng Tanghalan” finalist na si Jennie Gabriel.

Magbibigay-aliw muli si Piolo sa mga manonood sa SM City Davao kasama ang tambalan nina Edward Barber at Maymay Entrata, “Tawag ng Tanghalan” winner Elaine Duran, at OPM band Reo Brothers.

Haharanahin naman nina Xian Lim at Kim Chiu at OPM icon Ogie Alcasid ang mga manonood sa SM City Telabastagan. Para sa dagdag na katuwaan at tawanan, ang mga komedyanteng sina Ate Gay, MC & Lassy ay naroon din sa mga nasabing events.

Bukod dito, mamimigay din ng pampremyo ang SM Store, Kultura, Miniso, Jollibee at Goldilocks sa tatlong mall events.

Para maging bahagi ng Pamaskong Handog event kasama ang isang kaibigan o kapamilya, maaaring magpakita lamang ng BDO Kabayan Savings ATM card o passbook. Para sa non-account holders, mangyaring pumunta sa BDO booth sa lahat ng  participating SM malls mula 10 ng umaga.

May booths din ang BDO sa iba’t ibang SM Supermalls para sa mga interesadong magkaroon ng BDO Kabayan Savings account.

Bumisita sa alin mang booths sa mga sumusunod na mga SM Supermalls mula Disyembre 5 to 7 sa SM City Fairview, Manila, Legazpi, Baguio at Iloilo; at mula Disyembre 12 to 14 sa SM City Valenzuela, Bicutan, San Jose Del Monte, Cauayan at General Santos.

Maaari ring mapanood ng mga OFW ang Pamaskong Handog events sa pamamagitan live streaming sa BDO Kabayan Facebook page, o sa special viewing sa mga opisina ng BDO Remit sa Hongkong, Macau, Japan, France, Italy, Spain at UK.

Marami pang sorpresa ang naghihintay sa lahat mula sa BDO Remit partners: WorldRemit, MoneyGram, Western Union at Small World. 

Isa talaga itong #SparklingSMallidays na hindi malilimutan!

 

Para sa karagdagang detalye hinggil sa Pamaskong Handog 2019, bisitahin lamang ang www.smsupermalls.com, www.bdo.com.ph, o BDO Kabayan Facebook page. 

vuukle comment

BDO

PAMASKONG HANDOG

SM SUPERMALLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with