^

Probinsiya

Retiradong pulis patay sa barilan

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Retiradong pulis patay sa barilan
Agad na namatay sa in­sidente ang biktimang si Jose Alcantara, retiradong miyembro ng Criminal In­ves­tigation and Detection Group.
STAR/File

Suspek sinaway sa inuman

MANILA,Philippines — Isang retiradong pulis ang nasawi habang sugatan naman ang isang opis­yal ng Philippine Navy sa isang barilang nagsi­mula nang sawayin ng una ang huli sa pakikipag-inuman sa Indang, Cavite kamakalawa.

Agad na namatay sa in­sidente ang biktimang si Jose Alcantara, retiradong miyembro ng Criminal In­ves­tigation and Detection Group (CIDG).

Nagawa namang maisugod ni Petty Officer 2nd Class Dimple Feranil ang sarili sa MV Santiago Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa binti pero dito siya naaresto ng pulisya.

Sinabi ni Indang police Chief Major Mark Jason Gat­dula na dakong alas-9:30 nang Sabado ng gabi nang maganap ang insidente habang nag-iinuman si Feranil at iba pa sa Barangay Poblacion ng nasabing lalawigan.

Bigla na lamang uma­nong dumating si Alcantara at pinahihinto sa inuman si Feranil at mga kasama niya sa pag-iinuman dahil sa maingay sila at mayroon pang nag-papaputok ng baril.

Dahil dito, kaya nagka-ro­on umano ng mainitang pag­­tatalo ang dalawa na hu­man­tong sa pagbabarilan nila hang­gang mapatay ang biktima.

vuukle comment

PATAY

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with