^

Probinsiya

2 top most wanted, 10 pa timbog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 top most wanted, 10 pa timbog
Kinilala ni P/Brig.Gen. Angelito Casimiro, police regional director, ang mga nadakip na sina Franklin Guillermo, 64-anyos, top 5 most wanted sa Isabela dahil sa kasong murder, at Stephen Dee, 25-anyos, top 10 most wanted ng Tugue-garao City, Cagayan.

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Labing-dalawang katao kabilang ang dalawang “top most wanted” sa batas sa Isabela at Caga­yan ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya sa mag­kakahiwalay na operasyon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Brig.Gen. Angelito Casimiro, police regional director, ang mga nadakip na sina Franklin Guillermo, 64-anyos, top 5 most wanted sa Isabela dahil sa kasong murder, at Stephen Dee, 25-anyos, top 10 most wanted  ng  Tugue-garao City, Cagayan.

Kinilala naman ang 10 iba pa na nahuli sa magkakaibang lugar na sina Wilson Tamang, 31, ng Brgy. Panninan, San Mariano, Isabela; Jennifer Labang, 42, ng Brgy. Balzain West, Tuguegarao City; Francisco Abriam, 78, ng Divisoria Sur, Maddela, Quirino; Edralin Garcia, 27, ng San Felipe, Ilagan City, Isabela; Jhon Tungpalan, 15, ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela; Erwin Pagtulingan, 54, ng Brgy. Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya; Romel Padre, 31, ng Brgy. Bubug, Sto. Tomas, Isabela; Frelyn Pabon, 39, ng Del Pilar, Alicia, Isabela; Elmo Tania, 33, ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela, at  Nestor Martin Jr,  35, ng Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela

Dahil dito, pinuri ni Casimiro ang mga operatiba ng pulisya sa matagumpay na operasyon sa kanilang nasasakupan.

vuukle comment

ANGELITO CASIMIRO

FRANKLIN GUILLERMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with