^

Probinsiya

Mag ina, empleyada utas sa killer bus

Joy Cantos, Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag ina, empleyada utas sa killer bus
Tumakas naman ang dri­ver ng shuttle bus matapos ang insidente na nakilala lamang sa pangalang alyas “Tokyo”.
File

CAVITE , Philippines — Tatlo katao ang patay kabilang ang isang mag-ina habang dalawa pa ang inoobserbahan sa pagamutan matapos silang araruhin ng isang rumaragasang shuttle bus habang bumabagtas sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Maduya, Carmona, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Teresa Ancheta, nasa hustong gulang, anak nitong si Trisha, 14-anyos, estudyante; kapwa residente ng Almoro Compound, Biñan City, Laguna na kapwa sakay ng tricycle at ang pasahero ng shuttle bus na tu­malon palabas na nakilalang si Gemma Protacio, isang empleyada at residente ng Maduya, Carmona, Cavite.

Tumakas naman ang dri­ver ng shuttle bus matapos ang insidente na nakilala lamang sa pangalang alyas “Tokyo”.

Nilalapatan na ng lunas sa ospital ang mga sugatang sina  Lily Villamor, isang pedestrian at ang mister ng nasawing ginang na si Dexter Jose Salas Ancheta, driver ng tricycle na sinakyan ng kanyang mag-ina.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi habang minamaneho ni alyas Tokyo ang Daewoo BS106 bus (RMP310) at bumabagtas sa nasabing lugar nang masalpok nito ang pedestrian na si Villamor.

Pagkasalpok kay Villamor, hindi huminto si alyas Tokyo at bagkus ay humarurot patakas kaya halos tumagilid ang sasakyan dahilan upang magpanik at tumalon palabas ng bus ang isang sakay nito na si Protacio. 

Sa halip na huminto, nagtuluy-tuloy ang nasabing driver dahilan upang masalpok nito ang tricycle na sinasakyan ng mag-anak na Ancheta na ikinamatay ng mag-ina.

Sa kabila nito, pinaharurot pa rin ng driver ang bus kung kaya nasagi pa nito ang isang Isuzu truck. Dito na inabandona ng driver ang shuttle bus at tuluyan na siyang tumakas.

vuukle comment

KILLER BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with