^

Probinsiya

63-anyos tinadtad ng 60-anyos

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines – Patay sa harap ng kanyang bahay ang isang 63-anyos na lolo matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainumang isa ring senior citizen makaraang magkaroon ng pagtatalo sa gitna ng kanilang kasayahan sa Purok-7, Brgy. Bitan-O sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Ilang saksak sa katawan ang agad na ikinasawi ng biktimang si Romy Montes Doctor, residente ng nasabing lugar habang tinutugis na ang tumakas na suspek na si Salvador Canielas Reyes, 60-anyos ng Brgy. Lipaat, Bulan. Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, nakitang nag-iinuman sina Doctor at Reyes sa bahay ng una. Gayunman, nang malasing ay nagtalo ang dalawa dahilan para lumabas ng kanyang bahay ang biktima para sana magpalamig pero nilapitan siya ng suspek at biglang pinagsasaksak. Duguang bumagsak ang biktima dahil sa malalalim na sugat sa katawan habang tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

TINADTAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with