^

Probinsiya

Rider sumirko, basag ang ulo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Isang 58-anyos na rider ang nasawi makaraang mabasag ang ulo nito nang sumirko ang sinasakyang motorsiklo nang aksidenteng nasagi ng sumusunod na van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Binatagan, Ligao City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Joel Reonal Mape, ng Brgy. Mayao, Oas. Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng van na si Allan Paynita Monasterial, 58, ng Brgy. San Esteban. Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga magkasunod na binabagtas ng biktima sakay ng motorsiklo (EA-14383) ang highway nang subukang mag-overtake ng van (WSK-971) sa una. Gayunman, aksidenteng nasagi ng van ang motorsiklo dahilan para sumirko ito at tumilapon ang rider saka nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with