2 ‘drug peddler’ huli sa buy-bust
ANGELES CITY , Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang drug peddler matapos ang ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng Police Station 1 at Police Station 5 ng lungsod noong Huwebes ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni P/Chief Insp. Joel Bagaoisan, hepe ng Police Station 1, kinilala ang suspek na si Butch Baby, 37-anyos ng Culiat St. Brgy. Lourdes Sur at Rommel Del Rosario, 48, residente ng Brgy. Cutcut, Angeles City.
Nasamsam sa mga suspek ang 7 plastic sachet na hinihinalang shabu at perang ginamit bilang marked money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.
- Latest