^

Probinsiya

2 ‘tulak’ utas, 8 huli sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� utas, 8 huli sa drug ops
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na sina Rusty Vidal, 34, ng Lingunan, Valenzuela City; at alyas “Long Hair”,nasa hustong gulang, walang permanenteng tirahan.

BULACAN  , Philippines  —  Dala­wang umano’y notoryus na tulak ang magkasunod na nasawi habang walong iba pa kabilang ang isang la­laking miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) ang naaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa magkakahiwalay na ba­yan dito, Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na sina Rusty Vidal, 34, ng Lingunan, Valenzuela City; at alyas “Long Hair”,nasa hustong gulang, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat sa Kampo Alejo Santos, dakong alas-2:30 ng madaling araw nag-deal ang poseur buyer na pulis kay Vidal sa Bancal Ext., Brgy. Bancal, Meycauayan City at habang nagaganap ang bentahan ay nakahalata kaya nagtangkang kumasa ng kanyang armas subalit naunahan siya ng pulis na paputukan na kanyang ikinasawi habang napatay si alyas Long Hair habang nagpapalitan ng droga at marked money sa isang lugar sa Brgy. Caingin, San Rafael dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Naaresto naman sa iba pang operasyon ng pulisya ang mga drug suspect kabilang ang SK member na si Ryan Christian Fajardo, sa bayan ng Paombong habang ang iba naman ay nadakip sa Meycauayan City, San Rafael, Guiguinto, Marilao at Santa Maria. 

Narekober sa dala­wang nasawi ang isang .38 revolver, isang .45 kalibre, mga basyo ng bala, 9  sachet ng shabu, at dalawang tig-P500 marked money habang nakuha sa walong suspek ang 27 sachet ng shabu, isang pakete at apat na sticks ng marijuana, mga drug paraphernalia at marked money.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with