^

Probinsiya

Misis pinasok, kinatay sa store!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 47-anyos na ginang makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang mga sa­larin sa loob ng sari-sari store sa Brgy. Semirara, Caluya, Antique, kamakalawa.

Sa report, kinilala ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Supt. Joem Magalong ang nasawing biktima na si Caridad Gulla, may-ari ng sari-sari store at residente sa nasabing lugar.

Bandang alas-8:10 ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng sari-sari store ng apo nitong babae matapos na magtungo sa lugar ang huli upang bumisita.

Laking gulat nito nang mabungaran ang nasabing misis na duguang nakahandusay at tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Nagtamo rin ng matinding sugat sa ulo ang nasabing biktima matapos na hampasin sa ulo ng matigas na bagay.

Kasalukuyan namang inaalam kung may nawawala sa tindahan ng ginang na magulong magulo na palatandaang nanlaban  sa mga salarin na pinaniniwalaang isa hanggang dalawa katao.

vuukle comment

KAMATAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with