^

Probinsiya

Lolo na-depress sa sakit, nag-suicide

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tigmak sa sarili niyang dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang 78-anyos na lolo matapos na maglaslas ng kanyang leeg sa labas ng kanilang bahay dahil sa matinding depresyon dahil sa nadiskubreng sakit sa Purok 1, Brgy. Napao sa bayan ng Bacacay, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Amando Barrameda Bidol, residente ng nasabing barangay. Ayon sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon  Ola, dakong alas-10:00 ng gabi, nakatakda sanang painumin ng gamot ang biktima ng kanyang manugang na si Nelia Qiambao pero wala ito sa loob ng bahay.

Gayunman, nang hanapin ay nakitang naliligo na ito sa sarili niyang dugo at wala nang buhay. Sa imbestigasyon, lumalabas na naglaslas ng leeg ang biktima dahil umano sa depresyon makaraang lumabas sa resulta ng kanyang check up na may kidney failure ang matanda at kailangang magpa-dialysis.

vuukle comment

DEPRESYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with