^

Probinsiya

2 dedo sa banggaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng mabanggaan ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo at kasalubong na behikulo sa national highway ng Brgy. Poblacion, Barbaza, Antique kamakalawa ng hapon.

Kapwa dead-on-arrival sa Pedro Gindap Municipal Hospital ang mga biktimang sina Raul Anastacio, 47, ng Laua-an, Antique at backrider Josephine Limdan, 42 taong gulang ng Sara, Iloilo. Sa report, sinabi ni Supt. Gilbert Gorero, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 6, bandang ala-1:10 ng hapon habang bumabagtas sa lugar ang Nissan Navara na minamaneho ni Rey Catague, 43 anyos, seaman, ng Brgy. Jinalinan, Barbaza nang makabanggaan ang motorsiklong Suzuki na sinasakyan ng mga biktima. 

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang biktima sa motorsiklo na kapwa nagtamo ng matitinding sugat sa katawan. Nasakote ng mga nagrespondeng mga elemento ng pulisya ang driver ng behikulong nakabangga sa mga biktima kaugnay ng kinakaharap nitong kasong kriminal.

vuukle comment

ROAD MISHAPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with