^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin, driver nalibing nang buhay!

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nailibing nang buhay matapos mahulog sa 300-metrong lalim na bangin ang isang truck kasama ang nagmamanehong driver nito nang bumigay ang tinutuntungang lupa sa kabundukan ng Sitio Gaday, Brgy. Eheb, Tinoc, Ifugao noong Linggo.

?Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang nasawi na si Marcos Inaldo Arron, drayber ng kumpanyang Jann Norris Construction.?

Dakong alas-10:00 ng umaga nang bumigay ang gilid ng bundok kung saan ipinarada ni Arron ang truck habang nagkakalkal ng lupa ang backhoe na hawak naman ni Juanito Habungan Jr.? Masuwerteng nakaligtas si Habungan nang makatalon mula sa backhoe na nahulog din at natabunan ng mga bato at lupa sa ilalim si Arron at ang truck. ?

Ayon kay Lacuata, pa­sa­do tanghali na nang makuha ang bangkay ng driver ng truck at dinala sa kanyang bayan sa Bagabag, Nueva Vizcaya kung saan siya pinaglalamayan ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with