^

Probinsiya

Sarhento dinedo sa loob ng kampo

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Pinabulagta ang 34-anyos na sarhento ng Philippine Army matapos itong ratratin ng kanyang kabarong sundalo sa loob mismo ng kanilang kampo sa bayan ng Gamu, Isabela, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang napatay na si Sgt. Ronald Oriero ng Barangay Banagbag sa bayan ng Quezon, Isabela habang sumuko naman ang suspek na si M/Sgt. Romulo Sanglay ng Barangay Nasiping, bayan ng Gattaran, Cagayan.

Nabatid na ang dalawa ay nakatalaga sa Military Intelligence Battalion (MIB) ng Philippine Army sa  kampo ng 5th Infantry Division na nakabase sa Camp Melchor dela Cruz sa nabanggit na bayan.

Sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente, papasok sa kampo ang biktima para kunin ang kanyang motorsiklo sa MIB compound nang kumprotahin ng suspek kaugnay sa kanilang dating alitan.

Gayunman, nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima.

Agad naman na isinugod sa Camp Melchor dela Cruz Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Sa ipinalabas na pahayag ng Division Public Affairs Office ng 5ID, agad inatasan ni Major Gen. Paul Atal ang lahat ng battalion commander na magsagawa ng counseling sa mga sundalo para hindi na umano maulit ang pangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with