^

Probinsiya

Negosyanteng drug suspek, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng mga riding-in-tandem assassins ang 36-anyos na negosyanteng drug perso­nality matapos itong ratratin habang lumalaklak ng alak sa public plaza sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong hatinggabi ng Linggo.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsa­lita ng Ilocos Norte PNP ang napatay na si Alvin Aguinaldo na sinasabing number one sa street level target ng pulisya bilang tulak-droga at ?sumawsaw na rin sa Oplan Tokhang noong 2016.?

Base sa police report, tumatagay ng alak ang biktima sa sementadong upuan sa parke nang lapitan at rat­ratin ng tandem assassins.

Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga nabulabog na magkakatipan kung saan sinamantala naman ng gunmen na tumakas sakay ng motorsiklo.

?Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with