^

Probinsiya

Bagong layang tulak tiklo uli sa droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nagbalik muli sa kalaboso ang 36-anyos na bagong layang drug suspek matapos itong makumpiskahan ng 12 plastic sachets ng shabu sa inilatag na drug bust operation sa kanyang bahay sa Barangay San Antonio, Ilagan City, Isabela noong Lunes ng hatinggabi. Ayon kay P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station na noong Hunyo 2016 lamang nakalaya ang suspek na si Rodolfo “Dongo” Cabanos Jr. nang nadismiss ang kaso nito kaugnay sa drug trade dahil sa teknikalidad ay muli itong nagbalik sa pagtutulak noong Nobyembre 2016. ?Nasamsam ng mga pulis ang 12 sachet ng shabu sa maliit na kaha ng bubblegum sa loob ng kuwarto ni Cabanos matapos isilbi ang search warrant na inisyu ni Judge Raul Babaran ng Cauayan City Regional Trial Court.? ? Sa rekord ng pulisya, unang nadakma at nakasuhan si Cabanos noong 2011.

vuukle comment

ARIEL QUILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with