^

Probinsiya

6 treasure hunters sa lupain ng ex-solon, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim na treasure hunters ang dinakip ng pulisya matapos maaktuhang naghuhukay sa lupaing pag-aari ni ex-Rep. Edwin Uy sa Barangay Tri­nidad, bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Rexson Casauay, hepe ng Mallig PNP ang mga suspek na sina Ramon Gaspar, 21; Liza Dela Cruz, 34; Ariel Dela Cruz, 34, mga nakatira sa bayan ng Delfin Albano; Erwin Concha, 41; Marvin Baquiran, 22; at si Gregorio Abala, 44, mga nakatira naman sa Barangay Holy Friday sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na isinuplong ng mga residente ang kahina-hinalang aktibidad sa nasabing lugar na lingid sa kaalaman ni Mayor Jose Calderon. ?

Ayon sa mga residente, pinaniniwalaan ng mga matatanda na mayroong ibinaon na kakambal ang golden Buddha sa lupa ni ex-Rep. Uy bago nilisan ng mga sundalong Hapones ang Mallig Region na sinasabing naging pugad ng mga makapili.?

Ayon sa police report, dinakip ng mga pulis ang mga suspek nang wala silang maipakitang permiso sa ginagawang dalawang malaking hukay mula sa pamahalaan.?

Wala sa nasabing lugar ang dating solon nang mangyari ang insidente.

vuukle comment

EDWIN UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with