^

Probinsiya

Magka-live-in utas sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang magka-live-in matapos salpukin ng hindi pa natukoy na sasakyan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Minante 2 sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Cauayan City PNP ang mga biktima na sina Marlon Palalay, 28; at Chrystalin Zapata, 24, kapwa nakatira sa Barangay Dagupan sa bayan ng Alicia. Lumalabas sa imbestigasyon na nadatnan na lamang ng mga residente na duguang nakabulagta ang dalawa sa gitna ng highway katabi ng kanilang motorsiklo na nayupi na animo’y lata ng sardinas. Ayon kay Quilang, isinugod ng mga sumaklolo ang dalawa sa Cauayan Medical Specialist Hospital kung saan idineklarang patay.

vuukle comment

ISABELA

CAUAYAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with