^

Probinsiya

4 pusher utas, 6 timbog sa Bulacan drug bust

Joy Cantos at Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat pang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang napaslang habang anim pa ang nasakote matapos na mauwi sa shootout ang drug bust operation sa tatlong magkakahiwalay na engkuwentro sa Bulacan kahapon.

 Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO)  Acting Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., ang bakbakan ay naitala nitong Hulyo 14 at 15 ng taong ito.

 Kinilala  ni Caramat ang tatlo sa mga napaslang na suspek  na sina Randy alyas Tuklaw, isang alyas Nie at isang hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan. 

Ang mga nasakote ay sina Jay-Ar Atingan, 22; Mary Jane Dupalco, 29; Jesus Castaneda, 33; John Carlo Atingan, 19; Christian George Genetia, 27 at  Elly Llacer.

 Ayon kay Caramat, bandang alas-10:15 nang gabi nang mauwi sa barilan ang buy bust operation ng pulisya sa Menzyland Subdivision, Brgy. Mojon, Malolos City  na ikinasawi ng umano’y drug pusher na si Randy at isang di kilalang suspek habang nakatakas ang iba pa ng mga itong kasamahan na sumakay sa motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Barihan ng lungsod ng Malolos.

 Ang suspek na si Randy ay nagbenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.00  sa poseur buyer pero nakatunog ito sa patibong kaya agad na nagpaputok na nauwi sa barilan na siya nitong ikinamatay. Nasamsam sa operasyon, ang cal. 38 revolver, mga basyo ng bala  at anim na plastic sachet ng shabu.

Bandang alas-2 naman nitong Biyernes nang kumasa ang target na drug pusher sa buy bust operation na nauwi sa barilan ng pulisya at ng mga suspek sa Brgy. Perez, Mey­cauayan City, Bulacan.

Sa kainitan ng encounter, napatay ang dalawa pang suspek na sina alyas Tuklaw at alyas Nine habang nasakote naman ang anim nilang kasamahan. Nasamsam sa ope­rasyon ang isang cal. 38 revolver at mga bala ng nasabing armas, 10 plastic sachet ng shabu at isang gramo ng marijuana.

 Sa isinagawang checkpoint, naka-engkuwentro ng mga pulis ang isang hinihinalang drug pusher bandang alas-11:45 ng gabi nitong Biyernes sa Kalsadang Bago, Brgy. Cai­ngin, San Rafael, Bulacan. Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang cal. 45 pistol, limang mga bala, limang plastic sachet ng shabu at ang Honda Wave motorcycle  na gamit nito sa operasyon at isang SKK mobile cell phone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with