^

Probinsiya

5 patay, 20 sugatan sa road mishap

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao ang namatay habang aabot naman sa 20 ang nasugatan matapos patagilid na sumalpok sa mabatong gilid ng kabundukan ang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Putlan, bayan ng Carranglan, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw. ?

Ayon kay P/Senior Insp. Adriano Gabriel, hepe ng Carranglan PNP, ang mga namatay ay nadaganan ng Victory Lines Bus (AYK 522) na tumagilid at lumusot pa ang kanilang katawan sa nabasag na bintana.?

Kabilang sa namatay ay ang buntis na si Lizette Gulayan, 8-buwang buntis at nakatira sa bayan ng Cabagan, Isabela; Valentine Adviente ng San Fernando City,  Pampanga; Cecile Cabuslay ng Baggao; Roberto Riovelon na naputulan ng ulo at isang lalaking nakasuot ng pantalong kulay ube.?

Naisugod naman sa Sacred Heart Hospital sa San Jose City, Nueva Ecija ang mga sugatang biktima. ?

Pormal namang kakasuhan ng pulisya ang driver ng bus na si Ryan Manuel, 38, Rugao, Ilagan City, Isabela.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng bus pagsapit sa pabulusok na bahagi ng kurbadang highway kaya ito bumaliktad at nagtuluy-tuloy na sumalpok sa mabatong gilid ng bundok. ?

Karamihan sa mga pasahero ay magmula pa sa Cagayan, Isabela at sa Nueva Vizcaya na patungong Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with