^

Probinsiya

2 tiklo sa droga at baril

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing may nakabinbing kasong kriminal na nagtutulak ng droga makaraang isilbi ang dalawang search warrant na ipinalabas ng korte sa mga Barangay Perez at Bayugo sa Meycauayan City, Bulacan, kahapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Elvir Omoy, 38, technician/mechanic at nakatira sa Sto. Niño Subdivision, Brgy. Perez; at Tatad “Cyrus Pang­coga” Maclas, 19, ng Northville 3 sa Brgy. Bayugo.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Alejo Santos, unang sinalakay ng pulisya ang bahay ni Omoy sa Brgy. Perez base sa search warrant na inisyu ni Judge Celso O. Baguio.

Ni-raid din ang bahay ni Tatad na may nakabim­bing kasong murder base sa search warrant na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos City Regional Trail Court Branch 78 at walang inirekomendang piyansa.

Nasamsam sa mga suspek ang 17 plastic ng shabu, digital weghing scale, mga drug paraphernalia at dalawang baril.

vuukle comment

DUTERTE CABINET MEMBERS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with