^

Probinsiya

15-anyos kinatay ng kasambahay

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na dalagita matapos itong saksakin ng kanilang kasambahay Barangay Pinsao Proper sa Baguio City noong Martes ng hapon.

Sa ulat ng Baguio City PNP, siyam na saksak sa leeg at katawan ang tumapos sa buhay ni Allery Wagayen

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Maritess Judan, tubong La Union na dalawang araw pa lamang naninilbihan sa pamilya Wagayen.

Natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng nakatatanda nitong kapatid na si Roger sa palikuran ng kanilang bahay sa nasabing barangay.

Nabatid na naiwan sa pangangalaga ng suspek ang biktima dahil abala ang mga magulang nito at kapatid na lalaki sa kanilang negosyo.

Nabatid na nakasalubong pa ni Robert Wagayen ang suspek na may bitbit na bag na sinabi pang mamamalengke lamang umano siya pero pag-uwi niya ay nadiskubre nito ang naganap na krimen.

Narekober naman sa crime scene ang duguang patalim sa tabi ng bangkay ng dalagita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with