^

Probinsiya

Mister tinadtad ng 4 mag-uutol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalunos-lunos ang kamatayang sinapit ng isang 36-anyos na mister matapos siyang abangan at pagtulungang katayin ng apat na mag-uutol dahil sa dating alitan sa Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela kamakalawa. Kinilala C/Insp. Santos Tecbobolan, hepe ng Alicia Police ang biktima na si Angelo Miguel ng nasabing lugar. Habang nadakip ang tatlong suspek na sina Jordan Navarette, kapatid na sina Alex at Albert habang nakatakas ang isa pa nilang kapatid na si Roberto na may mga kapitbahay na rin umanong na­patay. Matagal nang galit ang mga suspek sa biktima na may nakabinbin na kasong child abuse na kanilang isinampa dahil sa umano’y pananapak nito sa kanilang menor-de-edad na pamangkin. Magkasabay umanong dumalo sa isang inuman ng binyagan ang mga suspek at biktima at dito plinano ng mag-uutol na abangan pauwi ang huli. Pinagtulungan umanong katayin ang biktima sa pamamagitan ng itak, kutsilyo at samurai na iniwan nilang wakwak ang katawan sa lugar.

vuukle comment

JOHNEDEL CARDEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with