^

Probinsiya

Mag-ina utas sa car crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na real estate agent at ina nito habang pito naman ang malubhang nasu­gatan makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa punungkahoy sa gilid ng highway sa Barangay Alaguia, bayan ng Lal-lo, Cagayan noong Sabado ng umaga. ?

Kinilala ang mag-inang namatay na sina Ferdinand Simbra at Elisa Simbra, 80.

Kritikal at inilipat sa Cagayan Valley Medical Center ang mga sugatang sina Zebriena Simbra, 1; Zharina Simbra, 4; Nicole Simbra, 22; Hanna Joy Simbra, 11; Felimon Simbra, 38; Jonathan Pasos, 15; at si Ma. Antonette Fantolgo, 48.?

Sa pahayag ni SPO1 Gilbert Columna, patungo sana sa bayan ng Allacapan mula sa Tuguegarao City ang mga biktima lulan ng SUV (WNW 977) nang biglang kumabig pakaliwa kaya sumalpok sa punungkahoy dakong alas-9:30 ng umaga.?

Patay agad ang driver na si Ferdinand habang naipit naman ang nanay nito na sina Elisa sa harapan ng sasakyan.

 

vuukle comment

ANG

ANTONETTE FANTOLGO

BARANGAY ALAGUIA

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

ELISA SIMBRA

FELIMON SIMBRA

FERDINAND SIMBRA

GILBERT COLUMNA

HANNA JOY SIMBRA

JONATHAN PASOS

NICOLE SIMBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with