^

Probinsiya

15-anyos bigo sa pag-ibig, nagbigti

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matinding depresyon dahil sa pag-ibig ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 15-anyos na dalagitang estudyante matapos itong magbigti sa punungkahoy sa Purok 2 sa bayan ng Cabanglasan, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Dakong alas-12:30 ng hapon nang madiskubreng naka­bigti ang biktimang si Angeline Campano, Grade 9 student ng Cabulohan National High School.

Huling namataang buhay ni Christina Campano ang kanyang anak noong Lunes ng umaga matapos itong magpaalam na papasok sa eskuwela.

Gayon pa man, nag-alala ang mga magulang ng biktima matapos itong mabigong umuwi noong Lunes ng gabi hanggang sa matagpuan ang dalagita sa puno ng buyo kinabukasan.

Sinasabing dinamdam ng biktima na may ibang nobya ang kanyang boyfriend.

Narekober naman ang suicide note ng biktima na humingi ng tawad at pagpapaalam sa kaniyang pamilya.

Binanggit din sa suicide note na hindi matanggap ng biktima ang nagawa ng kanyang nobyo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELINE CAMPANO

BINANGGIT

BUKIDNON

CABANGLASAN

CABULOHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

CHRISTINA CAMPANO

DAKONG

GAYON

HULING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with