^

Probinsiya

5-buwang sanggol ni-rape ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bago pa man nasisilayan ang liwanag, masaklap ang sinapit ng isang 5 buwang sanggol na babae makaraang gahasain ng sarili nitong ama sa Brgy. Culianan, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Sa operasyon ng Zamboanga City Police, arestado ang suspek na si Rolly Tapic, 39 anyos, walang hanapbuhay ng Zone 1, Brgy. Culianan ng lungsod dahil sa pang-aabuso sa sariling anak.

Sa imbestigasyon, noong Miyerkules ng gabi habang pinapalitan ng diaper ni Evangeline Fernandez, live-in partner ng suspek ang diaper ng kanyang sanggol na itinago sa pangalang Baby Janica nang mapansin nitong nagdurugo at may malalim na sugat sa ari ang anak. Halos hindi tumitigil sa pag-iyak ang bata dahil sa iniinda ang kanyang sugat at nilalagnat.

Dahil dito, dumulog sa Women’s and Children’s Protection Unit ng Zamboanga City Police ang ginang upang makumpirma ang kanyang hinala na ginalaw ng kanyang live-in partner ang kanyang sanggol.

Sa isinagawang pagsusuri ng medico legal expert ng Zamboanga City Medical Center, lumitaw na positibong nagtamo ng perihymenal erythema ang sanggol o malaking sugat na sanhi ng panghahalay. Tanging ang suspek ang naiiwan sa kanilang bahay upang mag-alaga sa sanggol habang nasa labas ang ina nito na nagtatrabaho.

Ipasasailalim sa drug test ang suspek upang mabatid kung naka-droga siya nang isagawa ang panggagahasa.

vuukle comment

ANG

BABY JANICA

BRGY

CULIANAN

DAHIL

EVANGELINE FERNANDEZ

PROTECTION UNIT

ROLLY TAPIC

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with