^

Probinsiya

8 terorista bulagta sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walong terorista na kara­mihan ay lokal na nakipag­-al­yansa  sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)  kabilang ang isang Indonesian national ang napaslang sa umaatikabong pakikipagbakbakan sa tropa ng Philippine Marines sa liblib na bahagi ng bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, ang mga napatay ay miyembro ng Ansar Al Khalifa, terror cell na kaalyado ng IS na nag-o-operate sa Syria at Iraq.

Ang grupo  ay ipinangalan sa founder na si Ansar Al Khalifa na binuo sa Sarangani.

Bandang alas-5:40 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Philippine Marines ang teroristang grupo sa liblib na lugar sa Sitio Sinapingan, Brgy. Butril sa nasabing bayan.

Sa clearing operation, kabilang sa mga narekober na bang­kay ay ang Indonesian terrorist na si Abdul Fatah, miyembro ng jihadist regional terror group ng Jemaiah Islamiyah terrorist.

Narekober sa encounter site ang isang Barrette call 50 sniper rifle, isang M16 rifle, isang cal. 45 pistol, isang ICOM radios at limang piraso ng bandila ng ISIS.

Napaulat na tatlong Syrian national na mga miyembro ng ISIS ang sinasabing nakapuslit sa bansa at sumapi sa Khalifa Group.

Nabatid na huling namataan ang tatlong Syrian terro­rists sa Central Mindanao na kasama ng grupo ni Amin Bako na notoryus na bomber ng JI terrorist.

vuukle comment

ABDUL FATAH

ACIRC

AMIN BAKO

ANG

ANSAR AL KHALIFA

CENTRAL MINDANAO

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

JEMAIAH ISLAMIYAH

KHALIFA GROUP

MAJOR FILEMON TAN JR.

PHILIPPINE MARINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with