^

Probinsiya

4 todas sa tubig-ilog

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Apat na katao ang nawawala na pinaniniwalaang nalunod matapos tangayin ng rumaragasang na tubig-ilog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong si Lando sa mga lalawigan ng Nueva Viscaya, Isabela at Abra kamakalawa.

Sa ulat ng PDRRMC Nueva Viscaya, pinaghahanap pa rin ang 6-anyos na si Renai Tulliao nang tangayin ito kasama ang kanyang 11-anyos na kuya na si Ma­verick habang pinanonood ang lumalaking tubig sa tabi ng Bato River sa Barangay Sto. Domingo, bayan ng Bambang, Nueva Viscaya.

Tanging si Meverick lamang ang nasagip ng mga residente kung saan isinugod sa Nueva Viscaya Provincial Hospital.

Samantala, pinaghahanap naman ng rescue team si Jonathan Cadangyao matapos itong tangayin ng rumaragasang tubig sa Cagayan River habang hinahanap ang alagang kalabaw sa kasadsaran ng bagyo sa Barangay Dy-Abra sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Sa bayan ng Cabagan, Isa­bela; tinangay din ng tubig-ilog si Manuel Ramos habang nagtatangkang mag-ahon ng mga inaanod na troso.

Sa pahayag naman ni Ma. Teresa Benas, hepe ng Philippine Information Agency na nawawala pa rin ang 24-anyos na si Ryan Tiglay nang tangayin ng tubig-ilog habang kinukuha ang mga isdang nahuli sa kanyang fish trap ng madaling araw sa Barangay Caganayan sa bayan ng Tineg, Abra.

Patuloy pa rin sinusu­baybayan ng mga kinatawan ng Disaster Risk Reducation Management Councils ang mga bayan at lungsod sa pananalasa ni Lando.

 

vuukle comment

ABRA

ACIRC

ANG

BARANGAY CAGANAYAN

BARANGAY DY-ABRA

BARANGAY STO

BATO RIVER

CAGAYAN RIVER

DISASTER RISK REDUCATION MANAGEMENT COUNCILS

ISABELA

NUEVA VISCAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with