^

Probinsiya

Misis tumangging organizer ng NPA, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa pagtanggi na maging community organizer ng New People’s Army, pinagbabaril ng mga rebelde sa harapan ng kaniyang mister at tatlong iba pa ang isang misis sa bayan ng San Fernando, Masbate noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Meriam Capsa ng Barangay Valparaiso sa nasabing bayan.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, patungong Barangay Pob­lacion sa bayan ng San Jacinto ang biktima kasama ang kanyang mister at tatlong iba nang harangin ng mga rebelde pagsapit sa nasabing barangay.

Pinababa ang biktima sa kanyang motorsiklo habang ang mister nito at tatlong iba pa ay tinutukan ng mga rebelde kung saan hindi naman pumalag.

Iginapos ang biktima saka pinagbabaril hanggang sa mapatay saka mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde patungo sa kabundukan.

Sa pahayag ng mister sa mga awtoridad, sinabi nito na simula pa noong 2013 ay pabalik-balik na sa kanilang bahay ang mga rebelde kung saan hinihimok ang kaniyang misis na ma­ging community organizer ng mga ito pero nagmamatigas na tumanggi ang biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY POB

BARANGAY VALPARAISO

BIYERNES

CAMP CRAME

MERIAM CAPSA

MGA

NEW PEOPLE

SAN FERNANDO

SAN JACINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with